Bagong trip: slow mo
Posted by sexyever at 05:26 AM on July 3, 2008.
Salamat sa mga nakinig pala kahapon nang umaga. First time namen mag acoustic kaya medyo kabado pero ang maganda dun nag enjoy kame sa set. Salamat sa mga nagtext. Nakakalakas kayo ng loob. Basta, kilala mo na kung sino ka, sesend-an kita ng copy pag nakuha ko na. hehe.
Kahapon ko din ata na-experience ang sobrang lakwatsa. First time kong nakarating sa Sta. Lucia east at Metro East. Ang sarap talagang maglakad lalo na pag naka-flats. Naka-score din ako ng ultra-mega kewl na sapatos. love at first sight talaga ako dun.
May bago akong trip ngayon- ang maglakad. Nung nakaraang linggo, isang araw bago dumating ang sweldo, naisipan kong maglakad mula tapat ng office ni starmistedeyes hanggang MRT at mula North Ave station hanggang bahay namen. In fairness, maganda ang kinalabasan ng bago kong trip. Totoo pala ang sabi ni Otom (sa pagkakaintindi ko), sa paglalakad mo mas napapagmasdan ang paligid. Slow motion kumbaga.
Parang WANTED ni Angelina Jolie. Slow mo pag may mga magagandang stunts. May rewind din na astig ang simula. Haays.
Slow motion ang sagot para mawala ang stress.
currently listening to: I remember you by Skid Row
Underground
Posted by sexyever at 05:48 AM on July 1, 2008.
Nung isang gabi, naubusan ako ng kausap. tutal nag-net na rin naman ako, naisip kong subukan ang yahoo chat. Naghanap ako ng room. At siyempre dahil nahihilig ako lately sa jazz music, join ako sa room na yun.
ASL. Isang taga-Egypt at Pak (akala ko kung ano, PAKISTAN pala) ang nakausap ko. Tipikal na mukhang nagpapa-five six na nakamotor ang itsura nila. At may webcam pareho.
"Are you into jazz music? Never realized people from Pakistan would also dig into that kind of music. no offense sir." Pauso ko. Siyempre pasikat taga call cen' er ako eh.
"y." sagot ng kachat ko. Huh? "y? what do you mean by that?" naguluhan ako eh. yes daw pala ibig sabihin nun. Nagkalokohan na ng sagot ng tinanong ko na siya ng influences. "Underground please?" huh? Underground? ano daw? Yun pala olagay ko under my desk yung webcam ko. So di na naman ako naka-relate. Natauhan lang ako ng sinabi nyang, "Do you want to have sex? because I really want please?"
Taenang yun! Napa-exit ako sa room sabay nireport ko sila as spam. haha. Bahala na ang yahoo sa kanila. Ang lilibog nila eh. Natawa ako bigla sa sarili ko.Kung gatas na lang sana ang ininom ko imbes na red horse, nakatulog pa sana ako. Sabagay, at least nakadiskubre na naman ako ng ibang mundo.
Alam nating masarap ang sex pero lahat ng sobra, OA. At pag OA di na masarap. Amen?
Segue: Sa mga magigising bukas nang maaga, nasa UR Underground 105.9FM po ang ProxyPrexy. Maga-UNPLUGGED sila ng tatlong kanta taz interbyu. May text and phone line din dun para magparticipate ang listeners. Wala lang.
currently listening to: November rain by guns 'n roses