October 10th, 2008

It's time to think about myself

Posted by sexyever at 09:40 AM on October 10, 2008.

Kapag ginawa mo ang isang bagay at masarap sa pakiramdam. Kibukasan 'pag gising mo ganun pa rin ang feeling. Tapos pagbinabalikan mo lahat ng pinagdaanan mo, alam mas maganda na ang kinatatayuan mo ngayon kesa nung isang araw. Sabay madalas ka nang ngumingiti at naging magaan ang pakiramdam mo sa mga sumunod na araw, sa huli hindi mo na mararamdaman lahat ng sakit na pinagdaanan mo.

Conclusion: Masaya ka at alam mong tama ang desisyon mo.

Para akong nabunutan ng tinik. Isang araw 'pag gising ko, nasabi ko na lang sa sarili ko, "It's over." Kahit bali-baliktarin ko ang lahat ng bagay o gamitan ng superduper effective na mathematical equation o di pangkaraniwang philosophy; nauuwi ako sa isang hypothesis na kung talagang ayaw na nya dun, kahit magulo akong mag-isip paminsan-minsan, aalis at aalis siya doon. Teka, hindi naman ako nagdesisyon ng padalus-dalos. Ginamitan ko ang akong conclusion ng scientific method. Observation: Tinetext ka lang kapag namimiss ka o kaya may kailangan o siguro kapag hindi sila okay. Ang daming pangako na hindi nagagawa tulad ng sabi babalikan ka pero namuti na yung mata mo kakaintay. Tipong may lakad ka at wala kang tulog, inintay mo pero di dumating na pag nagkita pa kayo after, parang hindi ka nagintay. Experiment: Dahil wala kang karapatang mag-demand, hindi ka na lang iimik, hindi mo na lang papansinin. Kapag ganun ka lang, papansinin ka 'pag may time siya at di siya puyat. Eavaluation: Hindi ako ang priority nya, habang siya kapantay ng pagpapahalaga ko sa nanay ko at sa banda ko. Tinatabla ko ang mga group meetings nameng ng champ para samahan siya sa isang skul project. Kahit wala pang tulog, gagawan ko ng paraan na matulungan siya sa kung ano mang tulong ang gusto nya. Habang siya dahil wala pang tulog at galing sa puyat, ni kahit sandaliang bisita sa gig hindi magawa (galing daw kasi sa puyat).

Maraming magagandang alaala. Yung mga tipong paano kapag nagkatuluyan kayo etc o yung mga masarap na kwentuhan na hindi ka mabo-bore. Kung bait at bait, wala akong masabi. Pero walang consistency. Hindi kami ganito nagsimula. 9 months pa nga lang nagfe-fade na yung mga ginagawa nya, paano pa kung forever ko siyang kasama? Nababagalan ako sa diskarte nya. Ang layo nya sa reyalidad. Tanggap ko naman na mahina loob nya sa mga bagay-bagay at mga napagdaanan nya, pero hindi ko ini-expect ng sobrang ganito kahina. Sobrang lax. Sobrang hina na kahit anong gawin kong pagbudbod ng optimism, walang nangyayari. Gusto nya pa rin yung sarili nyang diskarte kahit na masaktan ako. Aware daw siya sa ganun pero may ginagawa ba siya? Aware daw siya na nasasaktan ako, pero hanggang awareness na lang ba? Hindi ako nagmamadali pero kailangan ko ng action. Tangina! Kung totoo yang sinasabi mong mahal mo ako, bakit hindi ko makita? bakit hindi ko maramdaman? bakit pakiramdam ko convinient lang para sa iyo na nandito ako? Kung ginawa na lang nating pagkakaibigan ito, mas maiintindihan ko. Pero dahil sinasabi mong mahal mo ako at sapat yung feelings para umalis ka dun, umasa ako. Pasenxa na, pero kelangan ko nang bumitaw.

Naging matapang naman ako para sa atin, hanggang doon lang ang kaya ko. Kung kinulang sa tingin ko dapat ikaw na ang nagpuno nun. Mahirap maghintay nang matagal tapos uuwi lang pala akong umuulan. Kung makita mong masaya ako, maging masaya ka na lang rin sana para sa akin.

Ayusin mo na lang ang relasyon nyo. Mukha naman hindi mo talaga siya kayang iwan. Kung magkita tayo, isipin na lang nating walang 9 months na nangyari.

 

6 Umapir!

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



ellapot (guest)

Comment posted on October 12th, 2008 at 12:00 AM
naks, mukhang maganda na ang takbo ng pag-iisip ah. sana ako rin malapit na, haha. basta, salamat sa tulong prex ah.
di mo lang alam...
Comment posted on October 12th, 2008 at 03:19 PM
Salamat! Mabuti naman kung ganun. hehe
Comment posted on October 11th, 2008 at 07:57 PM
im happy for you at least you knw now what to do : P
Comment posted on October 12th, 2008 at 03:20 PM
Salamat! I need strength though. MAhirap kalaban ang puso.
Comment posted on October 11th, 2008 at 01:47 AM
wow.. mukhang finalized n yn ah, gnmitan n tlg ng science thingy...
Comment posted on October 12th, 2008 at 03:20 PM
Sana nga finalized na reielle.

#back top | Site powered by Tabulas.