olats na birthday syndrome
Posted by sexyever at 03:53 PM on October 12, 2008.
Belated Happy Birthday sa may mga birthday lalo na kina Omiko at Itchyme. Sana naging masaya ang celebration ng mga kaarawan ninyo.Ü
Sa totoo lang, simula ng nagkaisip ako, memorable ang mga birthdays ko. Hindi dahil masaya kundi dahil traumatic. hehe. Alam ko may post na ganito si itchyme e. I feel him. Tuwing bday ko na lang talaga olats. Nung nag 18 ako, dapat may celebration sponsored ng tita ko. KAso pinipilit nila akong mag-gown. eh ayoko ng ganun. Gusto ko sa bar lang taz tutugtog yung dati kong banda taz iimbitahin namen yung ibang banda. Conservative ang family ng nanay ko at tutol talaga sa pagbabanda ko. A week before my birthday, sinundo ako sa gig sa intramuros. The following week, grounded ako saktong gig ng banda namen sa Malate. After two weeks, tinanggal ako ng mga kabanda ko dahil bukod sa underage ay hassle ang aking tita. Hanggang ngayon, so-so lang kami ng tita kong yun. Pero ibang post na yun. hehe Tuloy, kami ng bestfriend kong si tina ay tumambay sa wall sa intramuros at nagmuni-muni. Sakto na-beatify yung tatlong missionaries sa may simbahan sa erod sa manila cathedral. Kaya binasbasan ako ng mga madre at paring nandun.
2 weeks before my 19th birthday, something happened na 3 taon kong pinagsisihan. BUti na lang naka-move on na ako sa ex na yun. Come my birthday, traumatic pa na kelangan nameng magkita for rehearsal. The succeeding bdays, di na ganun ka traumatic but hindi masaya. Parang dumadaan lang siya like an ordinary day.
This year, bisperas ng bday ko may gig kame sa qc tapos diretso sa office dahil naunahan ako ng ibang mag-file ng leave tapos sa hapon lagare ako sa raket dahil nasa Sta lucia at eastwood sila. Kagabi nag-offer ang kabanda ko na magvideoke sa bahay nila after nung eastwood para dun magcelebrate. Sana maging okay pero parang gusto kong mapag-isa sa bday ko at tumulog ng bonggang bongga. Tulad ng iba kong birthday lalagpas na lang ito na parang ordinaryong araw. Kelan kaya mangyayari na mararamdaman kong special yung araw na yun? (Syet! nagsisimula na akong mag-emo oh)
Hindi ako nage-expect ng regalo, surprise party, isang katerbang greetings sa text at emails o ano pang materyal na bagay (pero pwede rin kung may mag-aabala). Ang gusto ko lang iregalo sa akin ni God ay peace of mind simula ngayong mag 23 ako, right judgement sa mga pagdedesisyunan ko sa mga darating na panahon at matinong boyfriend. hehe. Kahit hindi muna sa Friday ibigay, kahit next month. hehe.
Currently listening to: I will follow you to the dark by Deathcab for cutie
8 Umapir!
merlynthemagical

sexyever
sexyever
moreen (guest)
F (guest)

sexyever
Vki

omiko
